Paano ba madaya ang Botohan gamit ang VCM?

 

Ano nga ba ang VCM?

Paano gumagana ang VCM?

Ang VCM o tinatawag na Vote Counting Machine ay isang teknolohiyang ginawa ng Smartmatic para gawing mabilis ang botohan pati narin ang bilangan ng boto.

Bago maganap ang araw ng botohan/halalan. May ginagawang FTS o Final Testing and Sealing ang mga taga COMELEC. 

Ang final testing and sealing ay isang gawain o event upang itesting ang VCM para siguradong hindi nagmamalfunction ito. Kapag ang VCM ay sira sa kalagitnaan o tuwing final testing and sealing ay irereport ng DESO Technical Staff para mapalitan ito ng bago o kayay marepair. Kapag ang VCM naman ay in good condition tuwing FTS, itoy irereset ng mga teachers at ilalagay sa box/kahon para lagyan ng seal.

Ang kahon/box na nilagyan ng VCM ay mabubuksan lamang sa araw ng halalan (before 6 AM). Pwede nila itong buksan ng 5AM para ito ay mag initialize at mag print ng zero report.

 Kapag nakaprint na ng zero report, hihintayin muna ng mga teachers na mag 6 O'clock AM para magpasok ng boto.

Lahat ng error o problema ng VCM ay inirereport ng DESO Technical Staff / VCM Technician through phone calls/messenger group chat/radio call o anumang komunikasyon na pwedeng makontak ang isang technical staff na nasa sentro ng stasyon.

Kapag tapos na tayong bomoto, ang mga teachers ay magcloclose na ng botohan at magtrataransmit ng votes sa local, central at transparent servers. Ang mga server na ito ay isang Computer Server (database) na kung saan maiistore ang mga boto natin. Lahat po ay encrypted (hindi mababasa ng tao, only computers can read the data/information).

Pagkatapos ng transmittal ng report sila'y mag priprint na sila ng reports galing sa VCM.

Ang ipriprint na report ay nakalagay ang mga total votes ng mga kandidato.

Kapag tapos na ang printing ng reports. Ang SD Card sa VCM ay iwriwrite protect na ng mga teachers upang maiwasan ang pag-edit sa laman ng SD Card.


Sa security na nabasa niyo sa blog na ito ay mahirap ibypass o mandaya sa botohan gamit ang VCM. Imamatch nila ang mga resibo ng mga boto at ang mga naireport sa server ng COMELEC. Kapag itoy 100% matched, ito'y tunay na resulta at walang dayaan na naganap.

Subalit pwede parin itong dayain kapag naka planado ang isang kandidato tulad noong Halalan 2016.

Noong 2016, may mga resibo/election returns na hindi matched at may report ang server na nagshutdown/namatay subalit walang rason kung bakit nagshutdown/namatay ito. Lahat nalang ng nangyari ay isang HISTORY kung saan hindi nanalo si Halalan 2016 Vice President Candidate Bongbong Marcos.


No comments

Powered by Blogger.